Napag isip isip ko, gaano karami kya ang mga taong talagang natupad nila ang kanilang pangarap? Meron kyang batang nangarap maging janitor, tindera, magbobote o kya kargador? I think wala. So saan at kelan lumihis ang buhay nila at napunta sila sa ganung uri ng pamumuhay? Malamang kung mag tatanong ka sa mga bata kung anu gusto nila pag laki, makaka rinig ka ng mga sagot na, presidente, doctor, astronaut, nurse, scientist at kung anu anu pa. Natupad kaya nila ito? Sino kya sa mga batang nangarap ang talagang nakuha ang gusto nila sa buhay?.. sa nakikita ko, parang napaka baba ng percentage.. cguro mga 1 out of 150 lang ang nagawa iyon.. the rest.. ayun, napunta sa kung saan saang career. Ako, tinupad ko naman ang gusto ko sa buhay, pinag laban ko ang gusto kong kurso pero etong naka graduate na ko... bakit parang napakalayo parin ng aking pangarap?......
2 bloody wounds




patrixa03

kahit ako, pinili ko yung gusto kong kurso pero hanggang ngayon, hinahanap ko pa rin yung daan pano abutin yung pangarap ko. onting tyaga lang. maaabot mo din yan. :)
bipolaroid